ANG AKING PAGDADALANG-TAO…
Sa inyo pong lahat, isang maligayang pagbati sa Pangalan ng ating Diyos na Banal.. Lubos po akong nagpapasalamat sa kabutihan ng Diyos sa aking buhay.. Sa mga sandali pong ito, madaling araw dito.. Nagising akong may kagalakan sa aking puso.. Noon pong mga nakalipas na araw ay hindi ko inaasahang buntis ako.. Sa simula ng ikasal ako, walang buwan na di ako nagtest kung buntis ako. Nung nakaraang buwan lang po ako di nagtest.. Dinudugo po ako at pinuntahan ako ng pastor namin at ng pamilya nya sa bahay namin nung Linggo.. Nagkaroon kami ng Bible Study sa aming tahanan at nanalangin po kami. Sa mga nagdaang buwan po, ay naging matindi ang mga pagsubok na pinagdaanan ko dahil sa mga problema sa Pilipinas. Maraming bagay na gumugulo sa isipan ko.. Hanggang nalaman ko na buntis po ako.. Walang mapaglagyan ng kaligayahan sa puso ko.. Sa matagal na panahon kong paghihintay, ipinagkaloob Nya ang dalangin ng puso ko.. Maraming bagay na di ko minsan maunawaan kung bakit nangyayari.. May mga sandali na di ako naging tapat sa ating Diyos, bagamat alam kong may mga pagkakataon na nagkakamali ako patuloy Syang nagpapatawad sa akin at patuloy Nya akong niyayakap sa Kanyang mga bisig.. Kanina po, dinala po ako sa Emergency Room dahil nga po nagkakaroon ako ng pagdurugo.. Bilang unang pagdadalang tao, at bagong pangyayari sa buhay ko bilang isang babae, lubos akong kinabahan.. Wala po akong ginawa kundi ang manalangin at magtiwala sa ating Panginoon.. Purihin ang Diyos naging maayos po lahat ang resulta ng mga pagsusuri sa aking dugo at iba pang pagsusuri sa laboratoryo na ginawa para masigurado ang kalusugan ng magiging anak ko.. Sa inyo pong lahat na alam kong natuwa sa pagdadalang tao ko, nagmensahe at nagparamdam ng kasiyahan, hindi po sapat ang salitang SALAMAT para maiparating ko sa inyo ang lubos kong kaligayahan sa aking puso.. Nawa po ay pagpalain kayong lahat ng Dakilang Diyos.. Ang iba man sa inyo ay dito ko lang nakilala sa friendster, lubos po akong nagpapasalamat na ginamit ng Diyos ang website na ito para makilala ko kayo dahil alam kong may dakilang plano Sya para maiparating Nya ang pagmamahal Nya sa ating lahat.. Manatili nawa tayong matatag at patuloy nating mahalin ang buhay na ipinahiram Nya sa atin.. Kahit po ako ay minsan ay nagmamahal sa mga materyal na bagay, iwasan po nawa nating huwag kalimutan na higit sa lahat ang pinakamahalaga ay ang RELASYON natin sa Kanya at mamuhay na kalugod lugod sa harapan Nya.. Marami po akong pinagdaanang pagsubok sa aking buhay, subalit mulit muli ipinapaaalala Nya sa akin ang kabutihan Nya.. na di Nya ako iiwan ni pababayaan.. Dakila po ang Diyos natin.. Dalangin ko po na kung anuman ang bigat sa puso ng bawat isa, manatili kayong matatag dahil buhay ang Diyos natin at di Nya tayo pababayaan.. Nawa’y pagpalain Nya po tayong lahat.. Muli po, mula sa kaibuturan ng aking puso, MARAMING MARAMING SALAMAT.. Higit sa lahat ibinabalik ko ang lahat ng papuri, pagsamba at pagdakila sa ating Diyos na Makapangyarihan sa matamis na Pangalan ni Hesus..
Diyos na Dakila at Banal, pinupuri Kita at pinapasalamatan.. Sinasamba Kita Oh Panginoon.. Minsan pa Oh Diyos, lumalapit po ako sa presensya Mo.. Pagharian Mo po ang buhay ko, minsan pa oh Diyos dalangin ko na maramdaman ko ang dakilang presensya Mo.. Isa po akong makasalanan, minsan pa Ama ay idinudulog ko ang puso ko.. Nauuhaw ako sa presensya Mo.. Patawarin Mo ako oh Dakilang Diyos kung nasaktan Kita.. Muli’t muli po ay linisin Mo ang puso ko, ang buong pagkatao ko upang maging karapat dapat sa Iyo.. Maraming salamat po oh Diyos sa kapatawarang iginawad Mo.. Dalangin ko po na muli po ay gamitin Mo ako upang maging isang instrumento para sa kapurihan Mo.. Nagsusumamo po ako na pagpalain Nyo ang mga kaibigan ko, mahal ko sa buhay at ang mga taong mahalaga sa mga taong mahal ko.. Kung anuman po ang dalahin ng kanilang mga puso ay Ikaw po nawa ay Siyang bahala sa kanila.. Maraming salamat po.. Sa Inyo po ang pinakamataas na papuri at pagsamba sa Matamis na Pangalan ni Hesus.. Amen..
ASK GOD TO DWELL IN YOUR HEART!
Love In Christ,
~Sis MeLoDy~
"not I, but Christ"
