MARAMING MARAMING SALAMAT PO!
Pagbati sa inyong lahat sa Matamis na Pangalan ni Hesus! Tunay na Dakila ang Panginoon.. Nais kong magpasalamat sa inyong lahat sa pagbati nyo sa aking kaarawan.. Hindi sapat ang salitang salamat upang maiparating ko ang buong puso kong pasasalamat sa inyong lahat.. Dalangin ko na patuloy kayong pagpalain ng Panginoon at manatili ang pagibig sa ating mga puso.. at higit sa lahat, sa mga nagmensahe sa akin na natutuwa kayo sa kwento ng buhay ko, lubos po ang kagalakan sa aking puso na binigyan nyo ng oras na basahin ang istorya ng buhay ko.. patuloy pa rin po ang pagpapala sa akin ng Panginoon.. sa ngayon po ay masaya akong kapiling ang asawa ko, patuloy na umaasa at nanalangin na bigyan kami ng Panginoon ng anak.. Ako po ay isang taong makasalanan din tulad ng iba.. Sa mga nagmensahe po sa akin na di ko man sila kilala at sa unang pagkakataon na mabuksan nila ang pahina ng aking friendster ay may naramdaman silang kakaiba.. yon po ay ang presensya ng Panginoon sa aking buhay.. Sa mga kaibigan ko na lubos na nagmamahal sa akin, maraming salamat po.. sa mga taong patuloy na naniniwala sa kakayahan ko, huwag nyo pong tingnan ang panlabas na anyo ko o ang mga pagpapala sa akin ng Panginoon kundi sa buhay nyo, nawa’y patuloy nyong pasalamatan ang Diyos sa lahat ng pagpapala Nya sa inyo.. May mga pagkukulang po ako sa inyo dahil di ko kayo nabibigyan ng pansin ng mga nakaraang buwan dahil po sa kadahilanang ako ay abala sa aking trabaho at sa pagaayos ng bagong bahay na pinahiram sa amin ng Panginoon.. Mga kaibigan, kung ano man po ang mga bagay sa buhay nyo na nagiging hadlang upang paglingkuran ang Panginoon, dalangin ko na nawa ay magkaroon tayo lahat ng pagkakataon na isantabi ang mga bagay bagay sa ating palagid at bigyan natin ng atensyon ang Syang may ari ng lahat.. ang Diyos na Dakila at tunay na may likha ng kung anumang meron tayo.. Dalangin ko na pagpalain kayong lahat ng Diyos at nawa sa paglalakbay natin sa ating mga buhay, huwag nating kalimutan na kung may mga bumabagabag man sa ating pagkatao, at kung may dala dala man tayong suliranin, patuloy nating ipagkatiwala sa Panginoong Diyos at hinding hindi Nya tayo iiwan.. For He is our Marvelous, Gracious, Just, Loving and Perfect God.. Sa inyong mga kaibigan ko, at sa lahat ng mga makakabasa nito, dalangin ko na nawa’y hayaan nyong pumasok ang Panginoon sa inyong mga puso.. Andito lang po ako para manalangin sa inyong lahat at patuloy na magmahal sa inyo.. Ang Panginoon ay patuloy na papatnubay sa inyo!
ASK GOD TO DWELL IN YOUR HEART!
Love In Christ,
